Linggo, Setyembre 27, 2015

Simbahang nasa Burol ni Julien Carreon

Malamig na simoy ng hangin ang mararamdaman mo sa tuwing magsisimba ka dito, pakiramdam mo na ikaw ay panatag at masisiyahan sa mga makikita mo sa paligid sapagkat maraming puno at halaman ang iyong makikita dito. Pagtingin mo sa bandang kanan kapag ikaw ay nakaharap sa artar makikita mo ang mga bundukin sa paligid. Pagharap mo naman sa kaliwa makikita mo ang seminaryo ng Don Bosco. Maganda at magiging panatag ka kapag nandito ka sa simbahan na ito sapagkat na sa ibabaw siya ng burol. Maganda ang tanawin lalo na sa madaling araw kapag pasikat palamang ang araw at kita mo ang mga bunduking tanawin. Ito ay matatagpuan sa tagaytay ito ay pinagawa ni binibining Rayes upang isa alang alang ang kanyang mga magulang . Ito ay pag aari ng mga salisyano . Maganda tahimik at maliit lamang ang simbahan na ito ngunit kapag ikaw ay nandito sigurado masisiyahan ka sa pagpunta mo dito . Kaya tara na magbyahe tayo.



Tara Gets!, Ipapakita ko ang Tunay na Maganda ni Karla Aquino

Napakaraming lugar na maaaring puntahan dito sa ating bansa. Ngunit ang isang 'to ay lubos na kahanga-hanga.
 

Ito ay mayroong makapigil hiningang tanawin ng Taal lake at bundok makulot. Ang bundok na ito ay may perpektong hugis ng tatsulok na talaga namang kay gandang pagmasdan. Mga malalagong punong kulay berde at mga dahong sumasayaw sa ihip ng hangin at masasabi mong perpektong lugar para makapagrelax. Ang NONI'S MOUNTAIN RESORT ay isang lugar kung saan magandang magbakasyon dahil ito ay talagang dinisenyo para sa mga family reunions, wedding receptions, birthday parties, retreats o anumang pagtitipon o okasyon. Ang mga kwarto rito ay fully air-conditioned, may private toilet, bath tub, hot and cold shower, personal refrigerator, tv at dvd player at satellite tv na may 24 hours internet access. Mayroon din silang iba't ibang aktibidades na pwede mong gawin tulad ng teambuilding, paint ball, wall climbing, rappelling, badminton, tennis, basketball, zipline at swimming na nagpapatunay na bata man o matanda ay talagang mag-eenjoy sa pagpunta rito. Ang NONI'S MOUNTAIN RESORT din ay may tinatawag na green house kung saan pwede kang mag harvest ng sariwang prutas at gulay.

  Kaya't hindi maitatanggi na ang maaliwalas at mapayapang lugar na ito ay kaaya-ayang puntahan at sigurado namang hindi ka magsisisi. Ito ay matatagpuan sa Barangay Ping-as Alitagtag, Batangas.


-Karla Nivla Aquino smile emoticon  



Gandang Di mo pa Nakikita ni Cristina Sergio

Madaming magagandang tanawin ang makikita saan mang sulok ng pilipinas, masasabi mo talagang tunay tayong pinag pala sa mga natatanging angking yaman ng ating bansa yaman dagat, mineral, lupa at iba pa.
May isang lugar akong nabisita noong aking kaarawan tinatawag itong skyranch sa bayan ng tagaytay sa pilipinas. Nagsisimula na itong dayuhin ng mga tao sapagkat sa natatangi nitong kagandahan, maaliwalas na kalangitan , mapuputing ulap, nagyeyelong simoy ng hangin, parang prutas na bagong pitas sa sariwa ng hangin na malalanghap, matatanaw ang makapigil hiningan ganda ng paligid at ang bundok na nakayapos sa taal lake at bulkang taal. Ika nga nila makakalimutan mo ang lahat ng problema mo pag napagmasdan mo ang ginintuang tanawin na pinagkaloob sa bayan na ito ng maykapal. Bukod pa dito madaming atraksyon ang isinagawa rito upang mas maging kapanabik panabik ang pag dayo dito mayroon itong ibat ibang uri ng atraksyon tulad ng sip line kung saan makapigil hininga ang pag subok dito sapagkat ang ilalim ng lubid na iyon ay ang bangin sa gilid ng bundok. 

Mayroon din rides para sa mga bata at matatanda kung saan matutuwa ang buong pamilya siguradong hindi matatapos ang buong araw sa kasiyahan sa lugar na ito


Lihim ng Makabagong Paraiso


                    Mabangis na lungsod ang turing sa Maynila, mataas ang crimen, korupt na mga namumuno, at maruming kapaligiran, ngunit di nila alam, may tinatagong ganda ang Lungsod ng Maynila at hindi pa nalalaman ng karamihan, Ou , tama! Ang Lungsod na iyong kinalakihan ay may tinatagong Paraiso, at sigurado akong di mo pa ito na pupuntahan.


                   Sa Hilagang bahagi ng Maynila, Doon makikita ang Paraiso na pinangalanan na Linear Park, Isang Parke na Maberberdeng Paligid na nakapalibot ang mga masisigla at magagandang Mga halaman, at nakangiting nagmumukadkad na mga Bulaklak, at sa kalagitnaan ng Parke doon mo masisilayan ang isang mapang-akit na torre na may dalawang palapag at may makulay na disenyo, ang torre na ito ay may disenyo na para-parang Sinaunang Siglo.Ingay ng ihip ng hangin lamang ang iyong maririnig at Amoy dahang0dahang dahon ang iyong malalasap, Mistulang na sa isang malawak, makulay at Matahimik na Hardin. Tag-araw man o tag-ulan ang parke ay masarap na Pasyalan, Tuwing tag-araw may Fish Spot itong sa Gilid ng Parke at pag-umuulan, at umapaw ang fish spot, tumutungo ito sa gitna ng Parke at Nagiging Parang lawa na makikita sa Larawan sa ibaba, Na maglalangoy langoy ang mga isda sa gitna ng parke na masarap at nakakaaliw pagmasdan, may mga bata na naliligo sa maalang-lawa sa gitna ng parke na malinis naman at hindi kumokonekta sa kanal, at purong galling sa ulan. At huhumapa nalan ito kung bubuksan ang labasan ng tubig, at babalik ang mga isda sa kanilang kinalaagyan. Sa tag-araw, Makikipaglaro sayo ang mga masisigasig ng mga insekto at paro-paro sa pakikipaghabulan sa mga rito, at maari kang mamahinga sa mga puno na kaysisigla at berdeng berde na kulay. Walang sasaynging mga oras ang pagpunta at pagtambay dito, totoong nakakarelax ang mamahinga sa parkeng ito. Kaya Tara na !




                    Kung Pupuntahan at susuriin ang Parkeng ito, malapit ito sa oil Deput sa pandacan, subukan at puntahan ang tanging Pinagmamalaki ng Pandacan ang hardin ng Pandacan na hindi pa nalalaman ng karamihan.