Linggo, Setyembre 27, 2015

Lihim ng Makabagong Paraiso


                    Mabangis na lungsod ang turing sa Maynila, mataas ang crimen, korupt na mga namumuno, at maruming kapaligiran, ngunit di nila alam, may tinatagong ganda ang Lungsod ng Maynila at hindi pa nalalaman ng karamihan, Ou , tama! Ang Lungsod na iyong kinalakihan ay may tinatagong Paraiso, at sigurado akong di mo pa ito na pupuntahan.


                   Sa Hilagang bahagi ng Maynila, Doon makikita ang Paraiso na pinangalanan na Linear Park, Isang Parke na Maberberdeng Paligid na nakapalibot ang mga masisigla at magagandang Mga halaman, at nakangiting nagmumukadkad na mga Bulaklak, at sa kalagitnaan ng Parke doon mo masisilayan ang isang mapang-akit na torre na may dalawang palapag at may makulay na disenyo, ang torre na ito ay may disenyo na para-parang Sinaunang Siglo.Ingay ng ihip ng hangin lamang ang iyong maririnig at Amoy dahang0dahang dahon ang iyong malalasap, Mistulang na sa isang malawak, makulay at Matahimik na Hardin. Tag-araw man o tag-ulan ang parke ay masarap na Pasyalan, Tuwing tag-araw may Fish Spot itong sa Gilid ng Parke at pag-umuulan, at umapaw ang fish spot, tumutungo ito sa gitna ng Parke at Nagiging Parang lawa na makikita sa Larawan sa ibaba, Na maglalangoy langoy ang mga isda sa gitna ng parke na masarap at nakakaaliw pagmasdan, may mga bata na naliligo sa maalang-lawa sa gitna ng parke na malinis naman at hindi kumokonekta sa kanal, at purong galling sa ulan. At huhumapa nalan ito kung bubuksan ang labasan ng tubig, at babalik ang mga isda sa kanilang kinalaagyan. Sa tag-araw, Makikipaglaro sayo ang mga masisigasig ng mga insekto at paro-paro sa pakikipaghabulan sa mga rito, at maari kang mamahinga sa mga puno na kaysisigla at berdeng berde na kulay. Walang sasaynging mga oras ang pagpunta at pagtambay dito, totoong nakakarelax ang mamahinga sa parkeng ito. Kaya Tara na !




                    Kung Pupuntahan at susuriin ang Parkeng ito, malapit ito sa oil Deput sa pandacan, subukan at puntahan ang tanging Pinagmamalaki ng Pandacan ang hardin ng Pandacan na hindi pa nalalaman ng karamihan.



2 komento:

  1. ou nga hindi yan napupuntahan, pati mga taga maynila di nila alam yan.. good job author!

    TumugonBurahin
  2. Lumaki ako dyan, bata pa lang kami naglalaro kami jan lalo na pag umaapaw ang fish spot jan, sarap maligo parang na sa ilog kami (excuse me, Malinis po yan pag umapaw at bumaha sa paligid ng casstle)

    TumugonBurahin