Madaming magagandang tanawin ang makikita saan mang sulok ng pilipinas, masasabi mo talagang tunay tayong pinag pala sa mga natatanging angking yaman ng ating bansa yaman dagat, mineral, lupa at iba pa.
May isang lugar akong nabisita noong aking kaarawan tinatawag itong skyranch sa bayan ng tagaytay sa pilipinas. Nagsisimula na itong dayuhin ng mga tao sapagkat sa natatangi nitong kagandahan, maaliwalas na kalangitan , mapuputing ulap, nagyeyelong simoy ng hangin, parang prutas na bagong pitas sa sariwa ng hangin na malalanghap, matatanaw ang makapigil hiningan ganda ng paligid at ang bundok na nakayapos sa taal lake at bulkang taal. Ika nga nila makakalimutan mo ang lahat ng problema mo pag napagmasdan mo ang ginintuang tanawin na pinagkaloob sa bayan na ito ng maykapal. Bukod pa dito madaming atraksyon ang isinagawa rito upang mas maging kapanabik panabik ang pag dayo dito mayroon itong ibat ibang uri ng atraksyon tulad ng sip line kung saan makapigil hininga ang pag subok dito sapagkat ang ilalim ng lubid na iyon ay ang bangin sa gilid ng bundok.
Mayroon din rides para sa mga bata at matatanda kung saan matutuwa ang buong pamilya siguradong hindi matatapos ang buong araw sa kasiyahan sa lugar na ito
Ganda. Papasyal din kami dyan :)
TumugonBurahinSama ako ah 😄
BurahinMaganda talaga sumakay sa skyranch, subukan niyo rin yung zip line nila, nakakakaba pero nakakaexcite :) sana makabalik ulit kami jan
TumugonBurahinMaraming salamat po 😄
BurahinWow makakpunta din ako dyan.
TumugonBurahinmakapunta nga dyan next week or sa bakasyon . ganda :D
TumugonBurahinmakapunta nga next time dyan
TumugonBurahin