Lunes, Oktubre 5, 2015

Ang Sikreto ng Calaruega ni Mhica Baisa

Lahat tayo ay gustong sumaya. Lahat tayo gustong makatakas sa realidad ng buhay. Makatakas sa problema sa trabaho, eskwelahan at maging sa bahay. Ang maglakbay sa mga lugar na kung saan tayo makakahanap ng kaginhawaan ang solusyon sa ating problema.
Malamig at sariwang hangin, maaliwalas at mapayapang paligid ang madaratnan mo sa isang lugar sa Batangas. Ang Calaruega na ipinagmamalaki ng Batangas ay isa sa lugar na nakapagpalimot sa aking mga problema. Isa itong lugar kung saan maaari kang magdasal at magnilay.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang masayang karanasan noong ako'y pumunta sa Calaruega. May halong kaba at saya ang aking naramdaman dahil sa mga nakalakap ko na impormasyon tungkol sa lugar na ito. Ika nga ng iba, "cherish every moments". Talagang sinulit ko ang bawat oras. Sa lugar na ito ko naranasang maging malaya. Sobrang saya. Sa sobrang saya ko parang ayaw ko ng umalis sa lugar na ito. Napaka ganda ng tanawin sa paligid. Ang sarap sigurong gumising sa umaga araw-araw dahil sa sariwang hangin. Busog ka na agad sa mga tanawin sa paligid. May simbahang napaka makasaysayan na talaga namang gaganahan kang magdasal. Wedding church kung ito'y tawagin. Natanaw ng aking mata ang isang chapel na nasa itaas ng bundok. Naalala ko pa noon, sobrang taas ng bundok at bago ka makarating roon ay tagaktak na ang pawis mo. Ngunit, nang makarating na kami sa itaas sobrang nakakawala ng pagod. Napaka ganda ng chapel. Ang tahimik sa itaas. Nakakawala ng pagod ang tanawin sa itaas. Sariwang hangin ang nalanghap ko na alam kong sa probinsya ko lamang mararamdam. Di maipalawanag na saya ang naramdaman ko noon. Parang bang gusto ko ng tumira doon. Di ako magdadalawang isip na bumalik sa lugar na iyon dahil tunay ngang isa ito sa masayang karanasan ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento