Miyerkules, Oktubre 7, 2015

Isang Matuwid na Lansangan ni Bryan Miralles




Sa mga lumilipas na panahon , araw at oras may mga bagay , lugar na hindi na nabibigyan ng pansin. Lalo na ito ay nakapagbibigay ng kaalaman sa paggamit ng tamang tawiran. May isang lugar sa Maynila na ngayon ay nagbibigay ng tamang paggamit ng lansangan at pagtawid sa daanan.


Ang Children Road Safety Park ay matatagpuan  sa tapat ng  Manila Zoo na dati ay Paraiso ng Batang Maynila. Na pinamumunuan ngayon ng MMDA upang magkaroon ng maayos na paggamit ng ating tawiran at mga Sign Boards na nagpapaalala ng ating kabutihan.


Isa na dito ang paggamit ng Pedestrian Lane.
Kasama na din ang Sign Board na ito at marami pang-iba.
At Over Pass na makikita sa mga High Ways.

Libre ang paggamit sa park na ito. Everyday except Wednesday at 9:00 am to 5:00pm

Wag na natin palampasin ang mga ganitong pagkakataon upang mabigyan ng kaalaman ang inyong mga anak.

Lunes, Oktubre 5, 2015

Ang Sikreto ng Calaruega ni Mhica Baisa

Lahat tayo ay gustong sumaya. Lahat tayo gustong makatakas sa realidad ng buhay. Makatakas sa problema sa trabaho, eskwelahan at maging sa bahay. Ang maglakbay sa mga lugar na kung saan tayo makakahanap ng kaginhawaan ang solusyon sa ating problema.
Malamig at sariwang hangin, maaliwalas at mapayapang paligid ang madaratnan mo sa isang lugar sa Batangas. Ang Calaruega na ipinagmamalaki ng Batangas ay isa sa lugar na nakapagpalimot sa aking mga problema. Isa itong lugar kung saan maaari kang magdasal at magnilay.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang masayang karanasan noong ako'y pumunta sa Calaruega. May halong kaba at saya ang aking naramdaman dahil sa mga nakalakap ko na impormasyon tungkol sa lugar na ito. Ika nga ng iba, "cherish every moments". Talagang sinulit ko ang bawat oras. Sa lugar na ito ko naranasang maging malaya. Sobrang saya. Sa sobrang saya ko parang ayaw ko ng umalis sa lugar na ito. Napaka ganda ng tanawin sa paligid. Ang sarap sigurong gumising sa umaga araw-araw dahil sa sariwang hangin. Busog ka na agad sa mga tanawin sa paligid. May simbahang napaka makasaysayan na talaga namang gaganahan kang magdasal. Wedding church kung ito'y tawagin. Natanaw ng aking mata ang isang chapel na nasa itaas ng bundok. Naalala ko pa noon, sobrang taas ng bundok at bago ka makarating roon ay tagaktak na ang pawis mo. Ngunit, nang makarating na kami sa itaas sobrang nakakawala ng pagod. Napaka ganda ng chapel. Ang tahimik sa itaas. Nakakawala ng pagod ang tanawin sa itaas. Sariwang hangin ang nalanghap ko na alam kong sa probinsya ko lamang mararamdam. Di maipalawanag na saya ang naramdaman ko noon. Parang bang gusto ko ng tumira doon. Di ako magdadalawang isip na bumalik sa lugar na iyon dahil tunay ngang isa ito sa masayang karanasan ko.

Huwebes, Oktubre 1, 2015

Hidden Valley Spring by Mark Capati


            Hidden Valley ay isang liblib na lugar sa pagitan ng dalawang bundok na mayaman sa alamat. Ito ay isang lugar na pinagpala sa likas na yaman at katangian na pinag kaloob ng tubig, bulaklak, mga puno, at magandang tanawin. Matatagpuan ito sa 75 kilometro sa timog ng Manila, ang Valley ay nagdudulot ng magandang modernong mga pagbabago pati na rin ang kakaibang katangian ng nakaraan. Hidden Valley Springs Resort ay isang kalahating oras na biyahe mula sa Manila, mula sa Calauan, sa pamamagitan ng Alaminos, Laguna, sa likod lamang Mount Makiling. Ang mga pangunahing tampok ay isang katawan ng waterfalls, natural spring at pool. patuloy na dumadaloy mula sa bundok, ang sinasabi na pag-ulan na naipon sa pamamagitan ng mga taon. Mayroon ding isang mainit-init, natural spring pool at isang soda pool.





Casas Filipinas de Acuza by Verna Torres



 Casa Binondonabinuonoong 1890



         Sariwa pa sa aking isipan ang lugar na ito sa Bagac Bataanna Las Casas Filipinas de Acuza.na kung saan ako at ang aking mga katrabaho ay namasyal. Napakagandang pag­ ­masdan ang pagkakabuo o tema ng bahay na nasa larawan ako ay namagha ng aking masilayan ito. sapagkat ito ay napaka aliwalas na kung aking susumahin nakakagaan ng loob at nakakawala ng problema. Ang kapaligiran ng kinatatayuan nito ay sobrang ganda din. Hindi ko inaasahan na minsan sa akin buhay na ako ay makakarating sa isa sa napakagandang lugar na ito. Ayon sa mga taga pangasiwa dito ang tema nang kanilang lugar ay kinuha o ginaya sa iba’t ibang lugar sa maynila na kanilang ihihalintulad upang buhayin ang tema ng mga sinaunang bahay sa iba’t ibang panig ng Maynila.                                     




Temple a Terrible by Alma Camato







TAOIST TEMPLE

Ang Taoist temple ay matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Cebu City. Isa eto sa pinakamaganda at makulay na temple dito sa bansa. Upang marating ang maganda ng bahagi ay kailangan mong akyatin ang 81 hagdan.Sa daan habang ikaw ay umaakyat ay madadaanan mo ang nagagandahan at namumulakak na halaman. Ang ganda nitolalo nasa loob ng templo, dito ay maaari kang magdasal at humiling. Sa labas nito ay mayroong mga banga na may iba’t ibang taas dito ay maaari kang maghagis ng barya at humiling. Mayroon ding aquarium na kung saan ay may statue ng isang lalaking nangingisda. May malaking statue nang dragon sa garden na kung saan ay maaari kang kumuhang litrato. Maganda at tahimikang lugar.

BULUSAN LAKE, A Secret Lake By Bernadette Erlano

      


                Isa sa pinakamagandang lugar na aking napuntahan. Ang Bulusan Lake na matatagpuan sa Bulusan Sorsogon. Masasabi kong tunay na kawili-wili, kahanga-hanga at walang pinag-iwan na isang tunay na paraiso, ito ang Bulusan Lake na napaliligiran ng malalagong punung-kahoy at nasa tuktok ng bundok. Sa libis ng burol ay mayroon naman naglalakihan, makukulay at nag-papaligsahang mga magagandang bulaklak na wari’y kaakit-akit sa mga taong pumupunta. Mayroon naman kayak na sasakyan upang malibot ang napakalaking lawa na may kulay luntian na tubig at matatanaw ang isa sa pinakamalaking bulkan ng Bulusan. Lawa para sa sinuman na ibig mapag-isa upang lasapin ang biyaya ng tunay na katahimikan sa buhay at Makita ang kagandahan ng buong pusong inihain ng kalikasan. Ang malamig na simoy ng hangin dito ay nakapagpapadama na waring ang buhay ay walang katapusan. Sadyang napakasarap talagang mamasyal na tila malilimutan lahat ng problema sa sandaling iyon, kaya kung ako sa inyo halina’t magtungo sa isang lugar na siguradong magbibigay kasiyahan. Tara ng mamasyal dito sa Bulusan Lake at ng makita ang tunay na ganda. 

Linggo, Setyembre 27, 2015

Simbahang nasa Burol ni Julien Carreon

Malamig na simoy ng hangin ang mararamdaman mo sa tuwing magsisimba ka dito, pakiramdam mo na ikaw ay panatag at masisiyahan sa mga makikita mo sa paligid sapagkat maraming puno at halaman ang iyong makikita dito. Pagtingin mo sa bandang kanan kapag ikaw ay nakaharap sa artar makikita mo ang mga bundukin sa paligid. Pagharap mo naman sa kaliwa makikita mo ang seminaryo ng Don Bosco. Maganda at magiging panatag ka kapag nandito ka sa simbahan na ito sapagkat na sa ibabaw siya ng burol. Maganda ang tanawin lalo na sa madaling araw kapag pasikat palamang ang araw at kita mo ang mga bunduking tanawin. Ito ay matatagpuan sa tagaytay ito ay pinagawa ni binibining Rayes upang isa alang alang ang kanyang mga magulang . Ito ay pag aari ng mga salisyano . Maganda tahimik at maliit lamang ang simbahan na ito ngunit kapag ikaw ay nandito sigurado masisiyahan ka sa pagpunta mo dito . Kaya tara na magbyahe tayo.



Tara Gets!, Ipapakita ko ang Tunay na Maganda ni Karla Aquino

Napakaraming lugar na maaaring puntahan dito sa ating bansa. Ngunit ang isang 'to ay lubos na kahanga-hanga.
 

Ito ay mayroong makapigil hiningang tanawin ng Taal lake at bundok makulot. Ang bundok na ito ay may perpektong hugis ng tatsulok na talaga namang kay gandang pagmasdan. Mga malalagong punong kulay berde at mga dahong sumasayaw sa ihip ng hangin at masasabi mong perpektong lugar para makapagrelax. Ang NONI'S MOUNTAIN RESORT ay isang lugar kung saan magandang magbakasyon dahil ito ay talagang dinisenyo para sa mga family reunions, wedding receptions, birthday parties, retreats o anumang pagtitipon o okasyon. Ang mga kwarto rito ay fully air-conditioned, may private toilet, bath tub, hot and cold shower, personal refrigerator, tv at dvd player at satellite tv na may 24 hours internet access. Mayroon din silang iba't ibang aktibidades na pwede mong gawin tulad ng teambuilding, paint ball, wall climbing, rappelling, badminton, tennis, basketball, zipline at swimming na nagpapatunay na bata man o matanda ay talagang mag-eenjoy sa pagpunta rito. Ang NONI'S MOUNTAIN RESORT din ay may tinatawag na green house kung saan pwede kang mag harvest ng sariwang prutas at gulay.

  Kaya't hindi maitatanggi na ang maaliwalas at mapayapang lugar na ito ay kaaya-ayang puntahan at sigurado namang hindi ka magsisisi. Ito ay matatagpuan sa Barangay Ping-as Alitagtag, Batangas.


-Karla Nivla Aquino smile emoticon  



Gandang Di mo pa Nakikita ni Cristina Sergio

Madaming magagandang tanawin ang makikita saan mang sulok ng pilipinas, masasabi mo talagang tunay tayong pinag pala sa mga natatanging angking yaman ng ating bansa yaman dagat, mineral, lupa at iba pa.
May isang lugar akong nabisita noong aking kaarawan tinatawag itong skyranch sa bayan ng tagaytay sa pilipinas. Nagsisimula na itong dayuhin ng mga tao sapagkat sa natatangi nitong kagandahan, maaliwalas na kalangitan , mapuputing ulap, nagyeyelong simoy ng hangin, parang prutas na bagong pitas sa sariwa ng hangin na malalanghap, matatanaw ang makapigil hiningan ganda ng paligid at ang bundok na nakayapos sa taal lake at bulkang taal. Ika nga nila makakalimutan mo ang lahat ng problema mo pag napagmasdan mo ang ginintuang tanawin na pinagkaloob sa bayan na ito ng maykapal. Bukod pa dito madaming atraksyon ang isinagawa rito upang mas maging kapanabik panabik ang pag dayo dito mayroon itong ibat ibang uri ng atraksyon tulad ng sip line kung saan makapigil hininga ang pag subok dito sapagkat ang ilalim ng lubid na iyon ay ang bangin sa gilid ng bundok. 

Mayroon din rides para sa mga bata at matatanda kung saan matutuwa ang buong pamilya siguradong hindi matatapos ang buong araw sa kasiyahan sa lugar na ito


Lihim ng Makabagong Paraiso


                    Mabangis na lungsod ang turing sa Maynila, mataas ang crimen, korupt na mga namumuno, at maruming kapaligiran, ngunit di nila alam, may tinatagong ganda ang Lungsod ng Maynila at hindi pa nalalaman ng karamihan, Ou , tama! Ang Lungsod na iyong kinalakihan ay may tinatagong Paraiso, at sigurado akong di mo pa ito na pupuntahan.


                   Sa Hilagang bahagi ng Maynila, Doon makikita ang Paraiso na pinangalanan na Linear Park, Isang Parke na Maberberdeng Paligid na nakapalibot ang mga masisigla at magagandang Mga halaman, at nakangiting nagmumukadkad na mga Bulaklak, at sa kalagitnaan ng Parke doon mo masisilayan ang isang mapang-akit na torre na may dalawang palapag at may makulay na disenyo, ang torre na ito ay may disenyo na para-parang Sinaunang Siglo.Ingay ng ihip ng hangin lamang ang iyong maririnig at Amoy dahang0dahang dahon ang iyong malalasap, Mistulang na sa isang malawak, makulay at Matahimik na Hardin. Tag-araw man o tag-ulan ang parke ay masarap na Pasyalan, Tuwing tag-araw may Fish Spot itong sa Gilid ng Parke at pag-umuulan, at umapaw ang fish spot, tumutungo ito sa gitna ng Parke at Nagiging Parang lawa na makikita sa Larawan sa ibaba, Na maglalangoy langoy ang mga isda sa gitna ng parke na masarap at nakakaaliw pagmasdan, may mga bata na naliligo sa maalang-lawa sa gitna ng parke na malinis naman at hindi kumokonekta sa kanal, at purong galling sa ulan. At huhumapa nalan ito kung bubuksan ang labasan ng tubig, at babalik ang mga isda sa kanilang kinalaagyan. Sa tag-araw, Makikipaglaro sayo ang mga masisigasig ng mga insekto at paro-paro sa pakikipaghabulan sa mga rito, at maari kang mamahinga sa mga puno na kaysisigla at berdeng berde na kulay. Walang sasaynging mga oras ang pagpunta at pagtambay dito, totoong nakakarelax ang mamahinga sa parkeng ito. Kaya Tara na !




                    Kung Pupuntahan at susuriin ang Parkeng ito, malapit ito sa oil Deput sa pandacan, subukan at puntahan ang tanging Pinagmamalaki ng Pandacan ang hardin ng Pandacan na hindi pa nalalaman ng karamihan.